-- Advertisements --

Patay lahat ang 28 pasahero ng isang eroplano ng ito ay bumagsak sa Kamchatka peninsula sa Russia.

Galing sa Petropavlovsk-Kamchatsky ang Antonov An-26 twin-engined turboprop at patungo sa Palan sa Kamchatka north ng nawala na ito sa radar.

Ayon sa Rosaviation natagpuan ang ilang bahagi ng bumagsak na eroplano apat hanggang limang kilometro sa runway ng Palana airport.

Itinuturing dahilan ng aksidente ay ang masamang lagay ng panahon.

Mayroong 22 pasahero at anim na crew ang laman ng nasabing eroplano.

Kabilang ang dalawang bata sa mga pasaherong nasawi.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang otoridad sa insidente.