-- Advertisements --

Nasa 28 katao ang nasawi ng mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa Kathmandu, Nepal.

Naganap ang insidente sa Mugu region kung saan marami ang naitalang nasugatan.

Galing umano sa southern Banke district ang bus na may lulan na 45 pasahero.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay pumutok ang unahang gulong ng bus kaya nawalan ng kontrol ang driver.