-- Advertisements --

Sugatan ang 28 katao matapos na sila ay sagasaan ng isang sasakyan sa Germany.

Nangyari ang insidente sa Seidlstrasse sa central Munic, Germany.

Naaresto ng mga otoridad ang 28-anyos na suspek na isang Afghan asylum kung saan mayroon itong mga kasong pagnanakaw at pagbebenta ng iligal na droga.

Dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima kung saan dalawa sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan.

Nangyari ang insidente ilang oras bago ang pagbisita ni US Vice President JD Vance at Ukrainian President Volodymyr Zelenzky para sa Munich Security Conference.