Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 28,471 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Gayunman marami rin namang naitalang 34,892 na bagong gumaling habang may 34 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.7% (284,458) ang aktibong kaso, 89.7% (2,933,338) na ang gumaling, at 1.62% (52,962) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 16, 2022 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19,” bahagi pa ng DOH advisory.