-- Advertisements --
LA UNION – Arestado ang isang 29 anyos na dalaga sa isinagawang Anti Illegal drug operation sa Barangay Paringao, Bauang, La Union.
Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Region 1, La Union Phil. Drug Enforcement Unit, Bauang Police Station at iba pang law enforcement unit.
Nagresulta din ito sa pagkaka-kumpiska mula sa suspek ng isang plastic sachet ng umano’y shabu, genuine na P500 bill, at 4 na piraso ng P1,000 bill bilang boodle money.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.