-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bumulusok pa sa 29 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang naitala sa bayan ng Midsayap Cotabato sa loob lamang ng isang araw.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH-12).

Ang bilang ay pinakamataas matapos ang halos tatlong buwan.

Matatandaan na isinailalim na sa COVID-19 Alert Level 3 Status ang Midsayap at buong probinsya hanggang January 31, 2022 dahil sa tumataas na bilang ng bagong kaso at ang banta ng Omicron Variant.

Sa ngayon mayroon nang 56 active cases ng Covid-19 ang bayan ng Midsayap base sa huling talaan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU-Cotabato.