BUTUAN CITY – Nadagdagan na naman ng 26 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Caraga Region at isa ang patay na lahat ay parehong mga taga-Butuan City.
Sa virtual announcement ng Department of Health-Center for Health and Development (DoH-CHD) Caraga, sa nasabing bilang, tig-13o ang mga lalaki at babae at 61-porsiento ang nasa edad na 21 hanggang 50-anyos.
Ang mga bagog kaso ay naibabahagi sa Brgy. Libertad, apat; tig-dalawa sa Brgy. Agusan Pequeño, Ambago, Doongan at Rajah Sulayman at tig-iisa naman sa Brgy. Ampayon, Baan Km. 3, Baan Riverside, Datu Silongan, Fort Poyohon, Imadejas, Limaha, San Ignacio, San Vicente, Taligaman, Tandang Sora, Urduja at Villa Kananga.
Sa 26 na mga bagong kaso, anim ang asymptomatic, 13 ang may mild symptoms at dalawa ang severe kungsaan 25 sa kanila ang patuloya kinu-quarantine, mino-monitor, at inalagaan habang ang isa ay patay.
Ito ay isang 72-anyos na lalaking hypertensive, may diabetes, chronic kidney disease, may lagnat at ubo at nanghihina ang katawan kung kaya’t dinala siya sa ospital nitong Setyembre 10 at siya itinakbo sa intensive care unit (ICU) ngunit namatay kahapon.
Sa ngayon, ang buong Caraga Region ay mayroon ng 902 ka total COVID-19 confirmed cases kungsaan 479 ang nakarekober, 396 ang mga aktibo at 27 na ang patay.