-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa pagtutulungan ng Lokal na pamahalaan ng Libungan Cotabato,34th Infantry Battallion Philippine Army at Libungan Municipal Police Station ay nabigyan ng tulong ang umaabot sa 29 dating mga myembro ng communist terrorist mass-based sympathizers.

Ang aktibidad ay dinaluhan nina 34th IB Commander LTC Edgardo Vilchez Jr,1Lt Rhonie Joy Fernan,Commanding Officer ng Charlie Company at Libungan Chief Captain Razul Pandulo.

Ang pagbibigay ng cash assistance p sa mga sumuko ay bahagi ng pangako ng LGU Libungan sa pamumuno ni Mayor Francis Aris Yu sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Evelyn Orobia.

Kung saan magagamit ng mga masa ng NPA ang tulong sa kanilang pagbabagong buhay.

Matatandaang noong ika-23 ng Oktubre ng taong ito, 29 na miyembro ng iba’t ibang communist terrorist group na kaanib ng mass-based sympathizers ang nagdesisyon na sumuko sa gobyerno matapos ang mga taon ng panlilinlang ng mga NPA.

Karamihan sa mga sumuko ay kabilang sa mga katutubong komunidad sa Sinapangan, Libungan, Cotabato.

Sinabi ni 602nd Brigade Commander COL JOVENCIO F GONZALES, na ang gobyerno ay taos-puso at nakatuon sa pagbibigay sa mga dating rebelde ng kinakailangang tulong para sa kanilang paglipat upang maging produktibong myembro ng lipunan.