Nasa 29 istraktura mula sa Region 11 at 12 ang nagtamo ng pinasala dahil sa magnitude 6.3 na lindol.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga napinsala ang SM at Veranza malls sa General Santos City; at KCC Mall sa Koronadal City na nagkaroon ng mga bitak sa istraktura; habang ang Gaisano Mall sa GenSan ay bahagyang nasunog.
Nagtamo rin ng pinsala ang municipal hall ng Magsaysay, Davao del Sur; ang Sangguniang Bayan Building at Roldan Hospital sa M’lang, Cotabato; ang fire-station sa Makilala, Cotabato; at ang municipal hospital sa Carmen, Cotabato.
Una nang iniulat ng NDRRMC na dalawa ang namatay at 18 ang sugatan sa landslide sa Magsaysay, Davao Del Sur; habang siyam naman ang iniulat na sugatan sa Kidapawan at Makilala sa Cotabato.
Patuloy ang isinasagawang response and damage assesment ng ng mga local DRRMC Offices sa mga apektadong lugar sa Region 11 and 12.