-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Matagumpay na nailigtas ang 26 na mga pasahero at tatlong mga tripulante mula sa tumaob na motor banca sa may Bucas Grande Island sa bayan ng Socorro, lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa report, lumisan ang M/B Emerald mula sa bayan ng Lanuza, Surigao del Sur dakong alas-9 ng umaga patungo sana ng Sohoton Cave, isang tourist attraction sa Bucas Grande Island nang bigla itongng pinaghahampas ng naglalakihang alon sanhi ng pagtaob.
Matapos makagtanggap ng tawag mula sa mga tripolante ay kaagad itong nirespondihan ng mga local police at mga personahe ng Philippine Coast Guard upang matulungan ang mga pasahero.