-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng umabot sa delikadong antas ang heat index sa 29 na lugar sa bansa sa Sabado, Abril 26.

Ayon weather bureau, maaaring maranasan ang mula 42°C hanggang 45°C, na heat index ang mga lugar tulad ng:

  • Muñoz, Nueva Ecija – posibleng umabot sa 45°C
  • San Jose, Occidental Mindoro – aabot sa 44°C
  • Mga lugar na posibleng makaranas ng 43°C heat index:
  • Dagupan City, Pangasinan
  • Bacnotan, La Union
  • Tuguegarao City, Cagayan
  • Echague, Isabela
  • Olongapo City, Zambales
  • Tanauan, Batangas
  • Infanta, Quezon
  • Coron at Puerto Princesa City, Palawan
  • Legazpi City, Albay
  • Pili, Camarines Sur
  • Iloilo City, Iloilo

Mga lugar na posibleng makaranas ng 42°C heat index:

  • Laoag City at Batac, Ilocos Norte
  • Aparri, Cagayan
  • Baler, Aurora
  • Camiling, Tarlac
  • Tayabas City at Mulanay, Quezon
  • Los Baños, Laguna
  • Cuyo, Palawan
  • Daet, Camarines Norte
  • Masbate City, Masbate
  • Roxas City at Dumangas, Iloilo
  • Catarman, Northern Samar

Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay delikado, kung saan posibleng makaranas ang mga tao ng heat cramps at heat exhaustion.
Maaaring mauwi ito sa heatstroke ang matagal na pagkaka-expose, lalo na sa mga bata, matatanda, at may iniindang karamdaman.

Payo ng state weather bureau uminom ng maraming tubig, iwasan ang outdoor activities sa tanghaling tapat, at humanap ng lilim o manatili sa malamig o air-conditioned na lugar.

Hinimok din ng weather bureau ang publiko na mag-ingat at bantayan ang kalagayan ng katawan habang patuloy ang nararanasang matinding init sa bansa.