BAGUIO CITY – Magpapatupad ng mahigpit na kampanya kontra sa iligal na droga ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa 31 barangay sa lalawigan ng Abra.
Ayon sa PDEA-Cordillera, aabot sa 29 na high value target drug personalities ang naaresto sa unang quarter ng taon kung saan karamihan ay mula sa nasabing probinsya.
Layunin ng nasabing kampanya na pababain ang suplay ng iligal na droga sa lalawigan.
Magpapatupad din sila ng mahigpit na drug clearing operations bilang pagtupad ng PDEA-Cordillera sa mandato ng Dangerous Drug Board.
Inaasahan ng PDEA-Cordillera ang patuloy na pagdakip at paghahanap sa mga high-value target drug personalities sa lugar.
Samantala, pinuri ng ahensya ang lokal na pamahalaan ng Luba, Bucay, at Tayum dahil sa magandang implementasyon nila sa anti-drugs at community-based rehabilation program para sa mga drug surrenderees.