CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 29 loose firearms ang isinuko ng mga sibilyan sa mga otoridad sa Isulan Sultan Kudarat.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Cirilito Sobejana na sa pakipagtulungan ng LGU-Isulan at tropa ng Ist Mechanized Infantry Brigade sa pamumuno ni Colonel Efren Baluyot na isinuko ng mga residente sa bayan ng Isulan ang 29 loose firearms.
Ang mga armas ay pormal na tinanggap nina Isulan Mayor Marites Pallasigue at Colonel Efren Baluyot kasama ang pulisya.
Ang pagsuko ng mga matataas na uri ng armas ay bahagi ng pinaigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra loose firearms.
Nanawagan si Mayor Marites Pallasigue,mga opisyal ng militar at pulisya sa mga sibilyan na may tinatagong armas na walang kaukulang papeles o loose firearms na isuko na sa mga otoridad, wag nang hintayin na silay hulihin at masampahan ng kaso.