BUTUAN CITY- Kasalukuyang iniimbestigahan na ang 29 na mga pulisya na nagpaturok ng bakuna laban sa covid-19.
Ayon kay PMaj Renato Badajos, deputy city police director for operations sa butuan city police office, nakatalaga ang mga ito sa Surigao del Sur Provincial Police Office, Surigao del Norte Provincial Police Office at Agusan del Sur Provincial Police Office na maaaring kasuhan dahil sa paglabag ng mga ito lalo na’t wala pang go signal upang makatanggap ng bakuna na hindi umaayon sa masterlisting ng mga priority groups Department of Health.
Bago ito, mismong ang Butuan City Police Station Butuan ang unang nagbunyag ng nasabing isyu ngunit nilinaw naman na hindi ito galing sa mga BCPO members.
Aniya, haharap sa kasong administratibo at ang naturang pangyayari magsisilbing babala sa iba pang mga opisyal ng pulisya na huwag muna silang mauna at hintayin lamang ang iskedyul alinsunod sa mga priority group listings upang hindi makaksuhan ng grave