Nasa 29 Palestinians ang napaulat na nasawi sa inilunsad na airstrike ng Israel sa Gaza.
Ito ay batay naging inisyal na report ng mga medic personnels sa lugar.
Ayon sa ulat, ang ginawang airstrike ng Israel ay para tuluyang makaabante sa malalim na bahagi ng Jabalia ang mga tropa ng Israel kung saan ayon sa mga international relief agencies ay liBu-libong indibidwal ang kasalukuyang natrap sa naturang siyudad.
Ayon sa ilang mga residente, namataan nila ang mga Israeli toops na siyang patuloy na binobomba ang hilagang bahagi ng Jabalia kung saan matatandaang nakalagak ang pinakamalaking refugee camp sa naturang lugar.
Sa loob naman ng 24 hrs ay umabot na sa 19 ang nasawi, nadagdagan pa ito ng 10 matapos tamaan ang dalawang kabahayan nitong Sabado ng gabi sa Jabalia at Nuseirat na siyang isang refugee camp sa central na bahagi ng Gaza.
Kasunod nito ay naglabas na ng isang abiso ang Israeli troops na lumikas na ang mga natitirang mga residente sa northern edge ng Gaza dahil ito ay itatalaga bilang “dangerous combat zone”.