-- Advertisements --

Pinauwi na ng Makati Medical Center (MMC) ang 29 na pasyente na gumaling matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay MMC Medical director Dr. Saturnino Javier na lahat ng mga pasyente na pinauwi ay nagnegatibo ng dalawang beses na testing sa coronavirus.

Maging ang kanilang mga health workers na nakasalamuha ng mga COVID-19 patients ay nagnegatibo rin sa nasabing virus.

Umaabot sa 832 persons under investigation at 449 iba pa na mga under monitoring dahil sa posibleng nadapuan ng virus ang hawak ngayon ng MMC.