-- Advertisements --

LA UNION – Umabot na sa 29 ang namatay na Pinoy sa bansang United Kingdom dahil sa COVID-19.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Leny Padilla, tubong San Juan, La Union at nagtatrabaho sa London bilang Applied Behavioral Analysis tutor, sinabi nito na mula sa nasabing bilang 18 dito ay mga frontliners na nasa hospital at home care.

Kaugnay nito, bumaba na rin aniya ang bilang ng mga namamatay sa ospital dahil sa seryoso nilang sinusunod ang mga alituntunin sa nasabing bansa.

Ayon pa sa kanya, extended ng hanggang May 1 ang kanilang lockdown.

Dahil dito marami sa mga tao doon kabilang na ang mga Pinoy na walang trabaho.

Samantala, parehas umano kung magbigay ng tulong ang gobierno doon.

Bagama’t istriko sila sa mga alituntunin ay hindi naman umano sila masyadong gumagamit ng face mask ngunit sumusunod sila sa social distancing.