-- Advertisements --

Kumana ng 29 points si Kawhi Leonard para bitbitin ang Los Angeles Clippers tungo sa 126-111 pagdomina sa Dallas Mavericks.

Umalalay din sina Paul George na tumipon ng 24 points, at Ivica Zubac na nagdagdag ng 21 points sa kanyang malinis na 10-for-10 shooting at 15 rebounds para sa Clippers, na pinatatag ang kapit sa No. 2 spot sa Western Conference standings.

Habang sa kampo ng Dallas, bumuslo ng 30 markers si Kristaps Porzingis ng 30 points, at si Luka Doncic ng 29.

Tangan ng Clippers ang 12 puntong abanse sa Dallas sa third quarter bago humabol ang Mavs at itabla sa 101 ang laro sa kalagitnaan ng final canto.

Sumagot naman ang Los Angeles ng 9-0 run para mapasakamay nilang muli ang kontrol.

Nagtala rin ang Clippers ng 62% shooting sa fourth quarter upang hindi na nila lingunin ang kanilang katunggali.

Sa araw ng Linggo, makakasagupa ng Clippers ang Portland Trail Blazers, samantalang ang Mavs naman ay haharapin ang Milwaukee Bucks.