-- Advertisements --
Nahain ng “Not Guilty” plea ang aabot sa 29 na pulis na idinadawit sa ₱6.7-billion na drug hole na naganap noong taong 2022.
Ito ay matapos ang naging pagbasa ng sakdal sa kanila ngayong araw.
Natuloy ang pagbasa ng sakdal laban sa mga ito sa kabila ng kanilang inihain na mosyon.
Naghain rin ang kampo ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo ng Motion to Quash sa Manila RTC Branch 175.
Giit ng abogado nito na ang kanyang kliyente ay biktima lamang at hindi dapat ito maharap sa kaso.
Bigo naman ang kampo ni Mayo na malipat ang kustodiya nito sa PNP Custodial Center mula sa Metro Manila District City Jail matapos na hindi paburan ng korte.
Ang pagdinig sa kaso ng 29 na pulis ay itinakdang muli sa February 14, 2025.