-- Advertisements --

Sinintensyahan ng parusang kamatayan ng isang korte sa Sudan ang nasa 29 na intelligence officers para sa pag-torture at pagpatay sa isang guro.

Pumanaw ang 36-anyos na teacher na si Ahmad al-Khair noong Pebrero kasunod ng pagdakip sa kanya bunsod ng pakikibahagi nito sa mga protesta kontra sa dating pangulo ng bansa na si Omar al-Bashir.

Nagbunyi ang prosekusyon at inihayag na tama lamang ang naging hatol ng korte.

Matapos ang pagbaba ng sentensya, tinanong ng hukom ang kapatid ni al-Khair na si Sa’d kung nais nitong patawarin ang 29 suspek, na sinagot naman nito na mas gusto niyang mabitay ang mga pumatay sa kanyang kapatid.

Nakatakda namang maghain ng apela ang panig ng depensa.

Batay sa desisyon ng korte, napatunayang binugbog at pinahirapan hanggang sa mamatay si Ahmad Al-Khair ng mga opisyal sa isang detention center sa estado ng Kassala. (BBC)