-- Advertisements --

cidg3

Naniniwala si NCRPO chief BGen. Vicente Danao Jr., na malaki ang maitutulong nang 296 na mga bagong elite CIDG police officers para mapahusay pa ang pag-iimbestiga ng CIDG sa mga kasong hawak nila.

Ayon kay Danao,mataas ang expectation ng PNP at ng publiko sa mga bagong graduates ng Criminal Investigation and Detection Group, na itinuturing na mga cream of the crop members na kabilang sa elite groups ng Philippine National Police (PNP).

Hindi biro ang trabaho ng mga tauhan ng PNP CIDG na siyang nag-iimbestiga at nag prosecute sa lahat ng mga uri ng krimen, kaya dapat lang na may sapat na kahusayan sa pag-iimbestiga ang isang pulis na mapabilang sa nasabing elite unit.

Pinangunahan ni BGen. Danao ang Graduation ceremony ng “KASALIGAN CLASS CIDG 19-03” na isinagawa sa Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kaninang alas-9:00 ng umaga.

Nasa 296 na mga bagong patrolmen ang matagumpay na nakumpleto ang kanilang Public Safety Basic Recruit Course at Field Training Exercises.

Asahan sa mga bagong pulis na gampanan ang kanilang trabaho ng buong katapatan at hindi magpapasilaw sa pera at masangkot sa mga iligal na aktibidad.

Mensahe ni Danao sa mga bagong graduate na pulis, gawin ng maayos ang kanilang trabaho base sa kanilang mandato lalo na sa pag-iimbestiga ng kaso.

Binigyang-diin ng heneral sa mga bagong graduate na patrolmen na ang unang 24-oras mahalaga sa imbestigasyon, kaya dapat nila itong pagtuunan ng pansin.
Bilang mga imbestigador, dapat marunong nilang i-manage ang kanilang oras at resources.

“You have started your training right, so please do it right and finish it right. You should always incarnate in your mind aside from the four core values, anchor your services, your aim to have high proficiency and excellence when it comes to investigation. Always look not only in the core values but on the foundation of what we have which is service, honor and justice. Let this class be the era of the change. ERA -Example to everyone, Responsible in everything and Always be accountable in all aspects. To all men and women of Philippine National Police let’s all be accountable in everything that we do. And as a member of the KASALIGAN Class which means Mapagkakatiwalaan let’s all stand with the name, live with the name and practice thy name,” pahayag ni Danao.