Nilinaw ngayon ng 2Go travel na kanilang binabawi na ang unang panuntunan para sa mga sasakay na local stranded individuals (LSIs).
Batay sa dating patakaran ng barko kailangan munang merong swab test o nagnegatibo sa RT-PCR bago makasakay.
Pero dahil sa panibagong direktiba ng DILG, hindi na kailangan ang swab test results ng mga LSI na babiyahe.
Ang kailangan na lamang na requirement na ipapakita ay ang mga sumusunod:
-medical clearance certificate
-travel authorization mula sa PNP
-valid ID
Ang naturang mga dokumento ay kailangan umanong kompleto at valid sa araw mismo ng biyahe.
Una rito, napansin ng Bombo Radyo sa North Harbor sa Tondo, Maynila ang maraming mga pasahero na nakatengga at hindi pinapapasok sa terminal.
Nag-abiso naman ngayon ang pamunuan ng barko sa mga apektadong mga pasahero at maari naman silang mag-rebook ng tickets o kaya tumawag sa hotline No. 85287000 o kaya mag-email sa: travel@2go.com.ph o pumunta sa 2GO outlet.
Samantala, ipinapaalala rin sa mga pasahero na LSIs na hindi pa rin puwede ang pagbiyahe ng mga barko sa mga sumusunod na lugar at petsa:
June 21 to July 15
Manila to Cebu
Cebu to Manila
Cebu Interports
June 22 to July 4
Manila to Butuan
June 28-July 12
Manila to Bacolod
Manila to Iloilo
Cagayan De Oro to Bacolod
Cagayan De Oro to Iloilo
Batangas to Caticlan
Batangas to Roxas
Until July 31
Puerto Princesa to Coron