-- Advertisements --

SIBERIA – Nilinaw ng mga eksperto na hindi cellular o smartphone ang natagpuang rectangular object sa tabi ng isang kalansay sa Atlantis, na nasa katimugang parte ng Siberia.

Sa ulat ng Fox News, isa lang umano itong belt buckle na gawa sa mother of pearl, carnelian at turquoise gems.

Una nang kumalat sa internet ang sari-saring post na isa raw ito “iPhone” noong unang panahon, habang may mga nagsasabing may nagdala na sa daigdig ng makabagong teknolohiya kahit sa nakalipas na siglo.

Para mabigyan ng identity ang natagpuang buto, binigyan iyon ng alyas na “Natasha.”

Ang lugar na kinatagpuan ng kalansay ay itinuturing na archeological site at kadalasang nakalubog sa tubig ng dagat. (Fox)