-- Advertisements --

Agaw pansin sa Marikina City ang pakikibahagi sa International Volunteers Day ng 2,000 youth Red Cross volunteers sa pamamagitan ng isang malaking cardiopulmonary resuscitation (CPR) demonstration at blood donation activity.

Pinangunahan ito ng Philippine Red Cross (PRC) – Marikina Chapter at mga miyembro ng Red Cross Youth (RCY).

Dumalo sa kaganapan ang mga kilalang opisyal tulad ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, Mayor Marcy Teodoro, at iba pa.

Ang layunin ng aktibidad ay itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng CPR training at blood donations sa komunidad.

Sinabi ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon na ang Red Cross ay umaasa sa mga volunteers at pinuri ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga pinaka-vulnerable sa ating populasyon.