-- Advertisements --
boris johnson
British Prime Minister Boris Johnson failed on his second attempt to call for early poll.

Muling tinanggihan ng Members of the Parliament ang panawagan ni UK Prime Minister Boris Johnson para sa isang snap election.

293 Members of the parliament ang sumuporta sa mosyon ng kanilang prime minister upang isagawa ng mas maaga ang eleksyon ngunit kulang ito sa bilang na kinakailangan.

Una rito, kinumpirma ng opposition MPs na hindi nila susuportahan ang isinusulong ni Johnson na eleksyon sa Oktubre 15. Iginiit din ng mga ito na dapat umanong magpatupad ng batas na haharang sa no-deal Brexit.

Binalaan na rin si Johnson na maaari itong humarap sa matinding problema sa oras na hindi nito ito sundin.

Sa kasalukuyan, nakapa-ilalim sa batas ng UK na kakalas ito sa European Union sa Oktubre 31 kahit pa na walang withdrawal deal na mapagkasunduan sa pagitan ng Brussels at Britanya.

Ngunit binago ang batas na ito sa bagong lehislatura, nakapaloob dito na kinakailangan humingi ng delay ang prime minister ng bansa hanggang Enero 31, 2020 maliban na lamang kung ang deal o no-exit deal ay aprubado ng MPs sa Oktubre 19.