-- Advertisements --
Isinilang na ang ikalawang anak ng aktor na si Jomari Yllana at ng kanyang nobyang si Joy Reyes.
Sa isang Instagram post nitong weekend, ipinost ni Yllana ang larawan ng kanyang baby boy na si Jom Christiano Fangio.
Nitong nakaraang buwan nang ipagdiwang ng kanilang panganay na si Chistiano ang kanyang unang kaarawan.
Bago ang kanilang relasyon ni Reyes, kasal si Yllana sa aktres na si Aiko Melendez.
Nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang supling na si Andre.