-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Panibagong 30 Barangay Health Workers (BHWs) mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Cotabato ang muling sumailalim sa ikalawang batch ng Interpersonal Communication (IPC) Skills on Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) at Usapan Training na isinagawa sa Parkland Hotel, Brgy. Balindog, Kidapawan City.

Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kaalaman ng mga BHWs hinggil sa RA 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 at Executive Order 12 o Attaining and Sustaining Zero Unmet Need for Modern Family Planning at maayos itong maipatupad sa mga barangay na kanilang nasasakupan.

Bahagi ng nasabing training ang pagkakaroon ng return demonstration upang masukat ang kakayahan ng mga partisipante lalo na sa pagsasagawa ng lectures sa barangay hinggil sa tamang pagpaplano ng pamilya.

Ang pagsusulong ng family planning at iba pang programa na makakatulong sa pagpapaunlad ng pamilya ay isa sa mga programang sinusuportahan ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño- Mendoza.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Population, Gender and Development (PopGAD) Division ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Population Commission