-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na naihatid na nila ang pangalawang batch ng tulong para sa mga residente sa lalawigan ng Catanduanes na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Pepito.

Aabot sa 700 family food packs ang ipinamahagi ng ahensya bilang bahagi ng kanilang walang patid na relief operation.

Isinakay ang nasabing bilang ng mga FFPs sa C-130 ng Philippine Air Force.

Kung maalala, naghatid na ang ahensya ng unang 1,000 FFPs sa probinsya na nagmula naman sa Visayas Disaster Resource Center.

Sa ngayon ay pinayagan na ang mga barkong maglayag kaya tuloy ang pagdagsa ng tulong sa lalawigan.

Ipinangako rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang tulong sa Catanduanes ng makipag meeting ito kay Catanduanes Governor Joseph Cua.