-- Advertisements --

Magsasagawa ng second collection ang Archdiocese of Manila sa November 23 at 24, 2024 para sa mga biktima ng Super Typhoon (ST) ‘Pepito’.

Batay sa Circular No. 2024-83 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, lahat ng mga simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila ay magsasagawa ng 2nd collection sa lahat ng misa ngayong weekend.

Ang maiipon sa naturang collection ay ipapamahagi sa mga biktima ng ST ‘Pepito’.

Inaatasan din ang mga church management na iremit ang lahat ng collection sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila bago mag-Nobiyembre 29.

Kasabay nito ay muli ring nag-alay ng panalangin si Archbishop Advincula sa mga biktima ng ST ‘Pepito’. Ipinalangin ng Arsobispo ang tuluyang pagbuti ng kalagayan ng mga biktima at mapagaan ang kanilang paghihirap.