CENTRAL MINDANAO-Tuloy na ang second dose ng Sputnik V para sa mga Eligible Priority Group na nauna ng naturukan ng nasabing brand ng bakuna sa Kidapawan City.
Gagawin ito ngayong ika-29, Ng Setyembre 2021 kung saan ibibigay ang nabanggit na bakuna sa mahigit 300 indibidwal na nakatakdang matuturukan ng second dose nito.
Una ng ipinaliwanag ng Department of Health Regional Office XII na sadyang magkaiba ang ‘component’ o nilalaman ng first at second dose ng Sputnik V.
Ibig sabihin nito ay hindi pwede iturok ang anumang nalalabing first dose para magsilbing second dose hindi kagaya ng iba pang bakuna gaya ng Sinovac, SinoPharm, Pfizer, Moderna at Astra Zeneca.
Samantala bukas ay may 198 naman na first dose ng Pfizer ang ituturok sa mga eligible priority groups A1/A2 at A3 at ito ay para sa mga taga barangay San Roque, Sto Nińo, Sikitan, at Sumbac at ito ay gagawin sa Midway Hospital habang 300 doses naman para sa mga taga Barangay Poblacion, Lanao, Balindog, Sudapin, Amas at Singao na gagawin sa Kidapawan Doctors Hospital Incorporated.
Meron ding 300 Sinovac second dose ang nakatakdang iturok para sa iba pang mga barangay na nabigyan ng first dose noong September 1, 2021.
Gagawin din ito bukas sa Madonna General Hospital at sa St. Mary’s Academy para sa second dose ng Sputnik V na una ng nabakunahan ng first dose noong July 22, 2021.
Venues din ng pagbibigay ng ikalawang dose ang City Health Office at ang KDHI.
Pinapayuhan ngayon ang mga priority groups na sumunod sa itinakdang schedule ng City Health Office.