NZÉRÉKORÉ, GUINEA – Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang opisyal na pagtatapos ng ikalawang outbreak ng Ebola virus na tumama sa African country na Guinea.
“I have the honor of declaring the end of Ebola” in Guinea,” ani Alfred Ki-Zerbo ng WHO.
Noong Pebrero nang tumama ang pangalawang outbreak ng Ebola sa nasabing bansa.
Nakapagtala ang Guinea ng 16 na kumpirmadong kaso ng sakit, at pitong “probable” cases. Mula rito, 12 ang namatay.
“In the name of the head of state (President Alpha Conde) I wish to declare the end of resurgence of Ebola in Guinea,” ani Guinea Health Minister Remy Lamah.
Kung maaalala, tinamaan kabilang ang Guinea sa mga bansa sa West Africa na nagdusa sa Ebola epidemic mula 2013 hanggang 2016.
Tinatayang 11,300 ang namatay mula sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone.
Ayon sa mga eksperto, naipapasa ang Ebola virus sa pamamagitan ng close contact sa “bodily fluids.”
Ilan sa mga sintomas nito ang malalang lagnat, at labis na pagdudugo. – with reports from Agence France-Presse, CJY