BAGUIO CITY– Magiging makabuluhan ang selebrasion ng Baguio City sa taunang “Marriage Week” na isasagawa sa Pebrero 7 hanggang 14, 2020.
Papangunahan ng city social welfare and development office (CSWDO) ang nasabing selebrasyon na may temang “Celebrating Commitment Through The Years”.
Ang nasabing taunang aktibidad ay batay sa ordinansa ng lungsod kung saan idinedeklara Marriage Week dito sa lungsod ng Baguio tuwing Pebrero 7 hanggang 14 ng taon.
Paraan din ito ng lokal na gobyerno para lalong paigtingin ang samahan ng mga mag-asawa at bawat pamilya dito sa lungsod.
Nagsimula ang selebrasyon ng Marriage Week sa United Kingdom noong 1996 na parte ng awareness campaign sa healthy marriage.
Sa ngayon ay naoobserbahan ang MARRIAGE WEEK sa 26 na bansa sa Asya.
Naoobserbahan ang 7-day challenge sa mga mag-asawa sa isang linggong selebrasion kasama rin dito ang Zumba para sa mga magkapareha na gaganapin sa City Hall grounds, ang renewal of vows ng mga 100 identified couples sa mismong Valentines Day.
Maisasagawa rin sa Marriage Week ang Family development sessions; couples’ open house visit, pre-marriage counseling at iba pa.