-- Advertisements --

Wala umanong plano ang anak ni Manny Pacquiao na si Michael na magpasikat ng husto sa larangan ng music industry.

Pahayag ito ng pangalawang anak ni Pacman ngayong umabot na sa mahigit 6 million views ang kaniyang rap song na pinamagatang “Hate.”

Ayon sa 18-year-old instant internet sensation, ayaw niyang pakain sa “expectation” sa kabila ng pagiging anak ng isang Pinoy ring icon dahil nais lang niyang magbigay ng inspirasyon sa simpleng talento.

“For me, I don’t really felt pressured. Like, I really have to be a professional, I have to be really good, and impress everyone, gano’n. I only did this because I love it, you know,” dagdag nito sa pep.

Unang pangarap ng pangalawang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao ay maging professional basketball player, pero mas pinipili raw niyang maging singer.

Kung maaalala, ang panganay naman nilang si Jimuel ay tila sumusunod sa yapak ng fighting senator sa larangan ng boxing ring.