-- Advertisements --

Nakaalis na sa Kabul Airport patulong Doha ang lkalawang Qatar Airways passenger flight.

May dala itong 158 pasahero na kinabibilangang ng mga US citizens, Germans, Canadians, French, Dutch, British, Belgians at Mauritian nationals.

Pagdating ng eroplano sa Qatar ay agad silang dadalhin sa compound facility kung saan naroon ang mga Afghans at ilang evacuees.

Sinabi naman ni US National Security Council spokeswoman Emily Horne, na kasama ang 21 US citizens kung saan 19 dito ay sa pamamagitan ng chartered Qatar Airways flight.

Patuloy aniya ang kanilang ginagawang hakbang para tuluyang mailikas ang natitira pang Americans na nasa Afghanistan.