-- Advertisements --
IMG c9e2eac5f615bec6b530d53ef693c26e V

Naitala ngayong araw ang pangalawa sa pinakamataas na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Sa talaan ng Department of Health (DoH), nakapagtala ang ahensiya ng 20,741 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 21,962 na gumaling at 189 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa Pilipinas , 7.6 percent (157,646) ang aktibong kaso, 90.7 percent (1,869,376) na ang gumaling, at 1.65 percent (34,062) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 2, 2021 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.5 percent sa lahat ng samples na naitest at 1.8 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19 kung kaya’t muling iginiit ng kagawaran ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin aniya na mag-isolate at makipagugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) kung may sintomas ng COVID-19.