BUTUAN CITY – Kinuyog ng daan-daang katao ang 2nd leg ng Bombo Bancarera 2023 Mindanao Circuit na isinagawa kahapon sa Masao Beach Resort sa Brgy. Masao nitong lungsod ng Butuan.
Hindi inalintana ng mga tao ang sobrang init ng panahon dahil kahit naabutan na ng lagpas alas-dose ng tanghali ay nakangiti pa rin, naghihiyawan at naka-abang pa rin sila hanggang sa matapos ang boat racing event ng Bombo Radyo Butuan.
(pic of Jastin Crado) Nagkampyon sa kompetisyon si Justine Crado ng Davao City mula Alaska Yaco Abante Surigao team nang tapusin nito ang kompetisyon sa oras na 2-minuto at 52-segundo.
(pic of Pocholo) Naging first-runner naman si Pocholo Craid ng Bad-as, Surigao del Norte mula rin sa Alaska Yaco Abante Surigao team nang tapusin nito ang kompetisyon sa oras na 3-minutos at 9-segundos habang (pic of Egot) 2nd runner-up naman si Danny Egot ng Buenavista, Agusan del Norte mula sa Princess Y Brent team na umabot sa 4-minutos at 8-segundos.
Samantala napaluha ang dapat sanay magkampyon na si Marciano Cortez ng Cabadbaran City, Agusan del Norte mula sa John Red team matapos magpalyar ang makina ng kanyang sasakyan na ilang metro.