Nagsagawa muli ng missile test fire ang North Korea.
Ito na pangalawang beses na pagsasagawa test fire ng North Korea ngayong Linggo.
Ayon sa Defense Ministry ng South Korea, mismong si North Korea leader Kim Jong Un ang nag-supervise sa pangalawang testfire ngayong linggo.
Malaki ang paniwala ng South Korea na gumamit ang North Korea ng short-range ballistic missile system na kahalintulad ng Iskander mobile missile ng Russia.
Ang nasabing missile ay isang malaking hamon para sa US-installed Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system.
Ibinunyag din ng South Korea na patuloy ang paggawa ng North Korea ng kanilang submarine.
Magugunitang nitong Lunes ng magsagawa ng missile test ang North Korea dahil sa ikinagalit nila ang patuloy na military exercise ng US at South Korea.