-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ikalawang gabi ng “Pure Energy: One More Time” concert ng beteranong singer na si Gary Valenciano.

Ito ay kahit na mayroon siyang dinaramdam na sakit nitong nakaraang Biyernes sa unang gabi ng kaniyang konsiyerto sa Araneta Coliseum.

Nadulas pa ito sa kaniyang unang kanta subalit walang anumang natamong sugat.

May mga nakaantabay na medical personnel na tumitingin sa kalusugan ng singer kung saan maya’t-maya ay tinitignan niya ang lagay ng kaniyang insulin.

Magugunitang noong Biyernes ay dumanas ng pagsusuka at panghihina ang singer kay hindi na nito tinapos ang konsyerto matapos ang anim na kanta.