-- Advertisements --

Nagbitiw sa puwesto si Marino party-list second nominee Anton Lopez dalawang araw matapos ang pormal na pagbubukas ng 18th Congress.

Kinumpirma ito mismo ng party-list sa isang statement nitong araw.

Ayon sa Marino party-list, na nakakuha ng dalawang upuan sa Kongreso sa nakalipas na halalan, “personal reasons” ang dahilan nang resignation ni Lopez.

Agaran anila ang effectivity ng pagbibitiw sa puwesto ni Lopez.

“As his resignation is for personal reasons, it is best that we wait for him to make a statement on the matter when he is ready,” saad ng party-list.

“We regret to see him go, but we understand that the decision is his to make,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, ayon sa grupo, pinag-aaralan na nila ang mga legal na hakbang para sa substitution ni Lopez.