(Update) Habang sinusulat ang balitang ito si Senator Manny Pacquiao na lamang ang hinihintay mula sa siyam na presidential candidates na dumalo sa unang debate na inorganisa mismo ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinakaunang dumating sa Harbor Garden Tent ng Sofitel ay si Atty. Jose Montemayor Jr., sunod si Labor leader Leody de Guzman, pangatlo ang negosyanteng si Faisal Mangondato, National Security Adviser Norberto Gonzales, Sen. “Ping” Lacson, Vice President “Leni” Robredo, Manila Mayor “Isko” Moreno at dating presidential spokesperson na si Ernesto Abella.
Batay sa impormasyon, kabilang sa paksa ng debate ngayong alas-7:00 ng gabi ay ang government accountability at domestic policies.
Kung maaalala sa unang COMELEC debate noong Marso 19, tumagal ito ng mahigit dalawang oras kung saan tanging si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hindi sumipot.
Para kay COMELEC Commissioner George Garcia na siyang in-charge sa Debate Committee, maituturing pa rin itong matagumpay at magandang simula bagama’t hindi pa 100 porsiyentong perpekto ang nasabing event.
Samantala sa darating na April 23 at 24 ang huling showdown ng mga kandidato sa pagka-pangulo at bise presidente para sa tinaguriang “PiliPinas Debates 2022, the turning point.”