-- Advertisements --
Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga mamamayan na makibahagi sa second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong Hunyo 10.
Nakatuon ngayon ang nasabing virtual earthquake drill sa kahandaan ng marami sa kanilang mga trabaho.
Magsisimulang pipindutin ang alarm eksaktong alas-9:00 ng umaga at mapapanood ito sa mga Facebook pages ng NDRRMC at Office of Civil Defense.
Noong unang Earthquake drill noong Marso 11 ay ilang libong katao na rin ang sumali.
Nagbigay naman ng ilang tips si Director of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director at Usec. Renato Solidum kung anong dapat gawin ng isang empleyado kapag naabutan ng paglindol sa kanilang opisina.