Inaasahan ng Commission on Election (Comelec) na mas magiging maaksiyon ang ikalawang round ng Presidential debate mamaya.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, kanilang binago ang format kung saan mas magiging matindi ang palitan ng mga opinyon ng mga presidential bets dahil sa bagong format.
Ayon kay Garcia, imbes na isang minuto ang inilalaan sa pagsagot ng mga kandidato ay ginawa na nila itong dalawang minuto.
Paliwanag ni Garcia, ang siyam na kandidato ay kanilang hinati sa tatlo sa bawat tanong pagkatapos ng unang tanong.
Aniya, ang tatlong kandidato ang siyang magbibigay ng kanilang sagot sa ibibigay na tanong sa kanila.
Sa pamamagitan ng format na ito, mas magiging maayos at exciting ang debate.
Inihayag naman ni Garcia, dadalo ang siyam na presidential bets dahil wala naman ang nagpa-aalam na hindi ito makakadalo.
” Unang-una ini-expect natin ang siyam na kandidato, wala naman sa kanila ang nagsabi na hindi sila makakarating, maraming maraming salamat po sa kanila,” pahayag ni Commissioner Garcia sa isang panayam.