-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Wala ng plano pa ang pamilya Salinas na ipa-otopsiya ang bangkay ng mananahi matapos itong makitang nakabitin at patay dakong alas-sais nitong Lunes ng umaga sa kanyang kwarto.

Nakilala ang biktimang si Joy Panlidy Salinas, 43-anyos, residente ng Purok 9, Brgy. Los Angeles nitong lungsod ng Butuan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naka-inom umano ang biktima na nakita na lang ng kanyang anak na babayeng nakabitin na sa kanyang kwarto.

Nakalamay na ang biktima sa isang punerarya sa Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan.

Matatandaang nitong Lunes ng umaga ng madiskubre ding wala ng buhay ang 17-anyos na si Bennie Allawan, residente ng Purok 8,Brgy. Ong Yiu nito ring lungsod at naka-inom din bago umuwi pasado alas-onse kagabi at napansin na nilang nakaluhod ito kung kaya’t pinaniniwalaan nilang nagdarasal ito at huli nang malamang nagpapatiwakal na pala ito.