-- Advertisements --

Magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Luzon at Visayas ang umiiral na northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon sa PAGASA, (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), aasahan ang maulap na panahon na may kasamang mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at natitirang hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng bahagya hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.

Sa Mindanao naman, ang tinatawag na localized thunderstorms ang magdudulot ng bahagya hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ngayong Disyembre 5 ay ang ikalawang Linggo ng Adbiyento o nasa 20 araw na lamang bago ang pagdiriwang ng Pasko.