-- Advertisements --

Star Cebu – Nairelease na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) -Central Visayas ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noon pang Hunyo 11.

Batay sa Executive Order 112 series of 2020 na nilagdaan noong Abril 30, ang mga low income families na nasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) sa buwan ng Mayo lang ang mabigyan second tranche ng SAP na kinabibilangan ng lalawigan ng Cebu sa Region 7.

Umaabot sa 147,406 4Ps beneficiaries ng Cebu na may cash cards ang nakatanggap ng P6,000.

Kabilang dito ang P4,650 emergency cash subsidy at ang kanilang regular na cash grant na P1,350 kung saan kasama dito ang P750 health grant at P600 rice subsidy.

Magkakaroon naman ng direktang payout scheme ang mga benepisyaryo ng 4Ps na wala pang cash card.

Pinapayuhan naman ang mga benepisyaryo na maghintay ng impormasyon mula sa kanilang Pantawid City o Municipal Links kung kailan sila makakatanggap ng ayuda.

Hindi naman kwalipikado sa iba pang ayuda ng gobyerno ang lahat ng 4P’s beneficiaries tulad ng Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers (Tupad) ng Department of Labor and Employment, cash assistance ng mga magsasaka o Survival and Recovery ng Department of Agriculture, at ayuda mula sa Social Security System.