Nasa second wave na ang nararanasang coronavirus pandemic sa United Kingdom.
Sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson, na kahit nasa second wave na sila ay hindi pa rin ito magpapatupad ng national lockdown.
Sa halip ay magpapatupad na ito ng mas mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.
Mayroon aniyang three-tiered set of restrictions na silang ikinokonsidera.
Ang unang tier ay ang ipinapatupad sa England social distancing.
Habang ang second tier na kasalukuyang ipinapatupad sa North East ang pagpapatupad ng curfews at pababawal sa mga pagpupulong at ang pangatlong tier ay ang stricter lockdown measures.
Pumapalo na kasi sa halos 400,000 ang kaso ng COVID-19 sa UK kung saan kada araw ay nagtatala sila ng mahigit 4,000 na katao ang nadadapuan ng virus.