-- Advertisements --
Pinangangambahan ng ilang eksperto sa Amerika na bumungad na sa kanila ang second wave ng pananalasa ng COVID-19.
Ang naturang pananaw ay kasunod na rin ng muli na namang paglobo ng bilang ng mga kaso.
Sa huling pagtala ng John Hopkins University nasa 54,63 ang new cases sa Amerika.
Dahil dito kabuuang 7,717,932 na ang COVID cases sa US.
May panibago na namang 618 ang mga namatay bunsod para umakyat pa sa 214,370 ang death toll.