-- Advertisements --
trump greenland 2
Donald Trump

Lumutang ang pangalawang whistleblower sa impeachment laban kay US President Donald Trump.

Ayon sa abogado ng whistle blower na si Mark Zaid, na kasama niya ang abogadong si Andrew Bakaj at sinasabing may mabigat silang ebidensya na magdidiin kay Trump.

Hindi naman nilinaw nito kung ilan pa ang whistle blower na kanilang ilalantad para sa kaso ni Trump.

Magugunitang nahaharap sa impeachment si Trump dahil sa pagtawag niya sa telepono sa pangulo ng Ukraine at pinapaimbestiga ang katunggali ni Trump na si dating US Vice President Joe Biden.