-- Advertisements --

Ikinatuwa ng fans ng K-pop group na 2NE1 dahil sa pagdagdag ng isang araw sa kanilang concert sa bansa.

Inanunsiyo Live Nation Philippines at YG Entertainment ang pagkakaroon ng ikalawang gabi ng konsyerto sa darating na Nobyembre 17 sa SM Mall of Asia Arena.

Una rito ay nagdagdag sila ng restricted view seats sa in-demand na November 16 show.

Magsisimula ang bentahan ng November 17 show sa darating na Oktubre 13 ng alas-12 ng tanghali.

Ang pinakamurang tickets ay mula P3,000 sa General Admissions habang ang pinakamahal ay aabot sa P16,500 para sa VIP.

Tinawag ng grupo ang concert na “Welcome Back” na nagsimula sa Seoul nitong Oktubre.