-- Advertisements --
Dead on the spot ang driver at ang isang pahinante ng isang 10-wheeler truck matapos mahulog sa tulay sa Maharlika Highway sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan ng Quezon nitong Sabado.
Nangyari ang insidente sa Barangay Malicboy, bandang alas-7:00 ng gabi.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Pagbilao, galing sa Bicol ang delivery van at patungo sana ito sa Maynila nang mawalan ito ng preno sa pababang bahagi ng highway.
Posible umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan na dumiretso ito sa tulay hanggang sa mahulog.
Wasak din umano at nagkayupi-yupi ang truck.
Kasalukuyang ginagamot na sa hospital sa Lucena City ang dalawang sugatan na nasa kritikal ang kalagayan.